CSWCD Memory Project: Martial Law Dokyu Screening and Talkback

Inihahandog ng UP College of Social Work and Community Development (CSWCD), sa pakikipagtulungan sa IBON Foundation, Concerned Artists of the Philippines, at PUP Center for Heritage Studies, ang libreng pagpapalabas ng dalawang Martial law-themed documentaries — Arrogance of Power (1983) at No Time for Crying (1986) mula sa AsiaVisions na nasa pangangalaga ng IBON Foundation. Susundan ito ng talkback kasama ang mga kinatawan ng faculty, REPS, staff, at mga mag-aaral.

Ito ay gaganapin sa ika-29 ng Setyembre 2022 (Huwebes) sa ganap na ika-4 ng hapon sa Bulwagang Tandang Sora (BTS), CSWCD, UP Diliman.  Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pag-alala at paggunita sa ika-50 taong deklarasyon ng Batas Militar sa bansa.

#ML50

#NeverAgain

#NeverForget