Human Rights Forum Inilunsad

| Written by CSWCD

human rights forum

Naglunsad ng talakayan tungkol sa kalagayan ng karapatang pantao sa Pilipinas ang Research and Extension for Development Office (REDO) noong ika – 5 ng Disyembre, 2012 sa CSWCD Seminar Room. Nagsimula ang programa sa pagpapalabas ng isang maikling audio-video presentation na ginawa ng National Council of Churches in the Philippines (NCCP). Ipinakita sa bidyo na may pamagat na “In Defense of Human Rights: Journeying with the people towards justice and peace” ang kalagayan ng karapatang pantao sa bansa at hinihikayat ang mga manonood na makilahok sa pagprotekta sa karapatang pantao. Pinalalim pa ni Cristina Palabay ng KARAPATAN ang pagtalakay sa konteksto at kalagayan ng karapatang pantao sa bansa. Ipinaliwanag niya na karamihan sa mga biktima ng mga paglabag sa karapatang pantao ay mga magsasaka at katutubo na lumalaban sa pangangamkam ng kanilang lupain. Ang huling tagapagsalita ay mula sa Panalipdan Minadanao na nagsalaysay ng kanilang nararanasang karahasan sa Mindanao bunga ng pagpasok ng mga malalaking korporasyon ng minahan sa kanilang lugar.