Operation Amihan: Kontra Habagat – Bukas na Liham Mula sa Dekana ng CSWCD

| Written by CSWCD

9 Agosto 2012

Sa aming mga alumni, mag-aaral, kapanalig, at kaibigan:

Mahal naming Ka-Bayanihan,

Mainit na pagbati sa gitna ng walang humpay na ulan mula sa College of Social Work and Community Development (CSWCD).

Simula kahapon (Aug 8, 2012), umandar na ang ating damayan para sa mga nasalanta ng pagbabaha mula sa walang patlang na malalakas na ulan, na pinangalanan nating “Operation Amihan: Tugon sa Habagat” (nasa ilalim ng email na ito ang paliwanag). Nakapagpulong na ang Disaster Risk Reduction (DRR) cluster ng Kolehiyo, natukoy na ang mga prayoridad sa mga kinikilusan nating mga komunidad, at nagsimula na rin ang pangangalap ng mga donasyon/ ayuda.

Kahapon din, sa loob lamang ng isang araw, nakapagpadala agad tayo ng suporta para sa 500 pamilya mula sa Brgy Sta. Ana, San Mateo, at Brgy. Payatas, Quezon CIty. Maraming salamat sa mga student volunteers na tumulong sa repacking ng bigas, tubig, de latang pagkain, noodles, biscuits at mga damit.

Patuloy ang ating pangingilak ng tulong para sa mga sumusunod na priority sites (ito ay mga lugar na hindi pa nakakatanggap ng ayuda):

1) Yumul Compound, Barangay Sta. Ana, San Mateo — 103 families
2) Barangay Sta. Ana Evacuation Center, Sta. Ana, San Mateo – 500 families
3) Barangay Kasiglahan, Montalban
4) Samahang Nagkakaisang Plastikan, Dona Nicasia, Commonwealth, QC. – 200 families
5) Demetrio at Aurora Village, Barangay Bagong Silangan, Qc. – 200 families

Marahil ay madadagdagan pa ang mga lugar na ito, ayon sa dami ng ayuda na ating matatanggap. Kailangan natin ang mga sumusunod:

1) Bigas
2) Tubig na inumin
3) De-latang pagkain (sardines, tuna, corned beef, atbp)
4) Noodle soup, arroz caldo packs, etc
5) Biscuits, crackers, bread, etc
6) Coffee, sugar, milk, chocolate drink

Maaari kayong magdonate in cash or kind hanggang August 22, 2012. Hinihiling naming dalhin ang mga donasyon sa tanggapan ng CSWCD sa Magsaysay Avenue, UP Diliman, Quezon City; Telephone No – 929-2477, 924-2143.

Para naman sa CASH donations, maari itong ideposito sa:

Account Name: Sikhay Kilos Development Association, Inc.
Acct. No.: 4069-8400-0021 (Peso Checking)
Bank: Philippine National Bank (PNB) – UP Campus Branch
Swift Code: PNBMPHMM

Patunayan nating muli na ang CSWCD at mga kapanalig nito ay organisado, maagap, at mapamaraan sa gawaing mapagkalinga para sa mga nasalanta.

Umaasang muli sa inyong pagiging bukas-palad at kahandaang maglaan ng ginintuang oras,

Sumasainyo,

Dr. Rosalinda Pineda-Ofreneo
Dean
College of Social Work and Community Development
UP Diliman, QC

P.S. Sa Pilipinas, ang Amihan ay hanging galing sa Hilaga-Silangan (north-east), na tamang-tama lamang ang temperatura at hindi nagdudulot ng gaanong ulan. Sa ating alamat, ang Amihan ay ang unang nilalang sa sanlibutan; ito ang ibong tumuka sa punong kawayan upang makalabas at masalba ang unang mga tao, sina Malakas at Maganda.