We ♥ Milo! Its more fun @ CSWCD!

| Written by CSWCD

Sa ika-16 ng Marso 2012, mula 6-10 pm sa CSWCD, UP Diliman ay magkakaroon ng gabi ng pakikiisa at pagkalinga na pinamagatang “We ♥ Milo”. Ito ay naglalayong makalikom ng suporta para kay Milo Tanchuling, ipagdiwang ang ating pagkakaugnay, at magbigay kasayahan sa bawa’t isa bilang bahagi ng isang komunidad.

Si Milo ay isa sa mga pinagmamalaking graduate o alumnus ng CSWCD at kasalukuyang Director General ng Freedom from Debt Coalition (FDC). Siya ay kabiyak ni Ging, isang guro sa CSWCD. Kamakailan si Milo ay na-diagnose na may metastatic colorectal cancer (MCRC) at nangangailangan ng 12 sessions ng chemotherapy na inaasahang tatagal hanggang July 2012.

Itatampok sa palabas ang mga natatanging talento ng mga mag-aaral, alumni, guro at staff ng UP CSWCD. Makikiisa at maghahandog din ng mga awitin sina Noel Cabangon, Gary Granada, Joel Saracho, Noel Kintanar at iba pang mga kaibigan ni Milo at ng CSWCD sa larangan ng sining at kultura. Maaring mabili ang ticket sa CSWCD, UP Diliman c/o Jane Demegillo at Monette Manaay (telepono 929-2477/ 929-8438). Hinihiling din namin ang inyong tulong sa pagbebenta ng mga ticket para sa palabas.

Ang ticket prices ay P200, P500 at P1000.

Kasabay ng palabas ay magkakaroon din ng Tiangge, Food Sale, Art Auction, Face Painting at Photo-booth upang makalikom ng dagdag na pondo. Humihingi rin kami ng mga donations na maaring ipagbili sa Tiangge at Auction.

Magkita-kita tayo sa Marso 16. Maraming Salamat!

We ♥ MILO!

PS: those who may want to donate cash may deposit to the following bank accounts:

Peso account:
Martin N Tanchuling
C/A 3990 0104 89
BPI Kalayaan Branch, 114 Kalayaan Avenue
Diliman, Quezon City 1101

Dollar account:
Martin N Tanchuling
S/A 1994 0123 35
BPI Kalayaan Branch, 114 Kalayaan Avenue
Diliman, Quezon City 1101
Swift Code: BOPIPHMM