Batay sa International Trade Union Confederation (ITUC) Global Rights Index of 2022, ang Pilipinas ay muli na namang binansagan bilang isa sa pinakamasahol na bansa para sa kalagayan at karapatan ng mga manggagawa. Nananatiling mababa sa minimum wage at hindi nakabubuhay na sahod ang tinatanggap ng mga manggagawa. Ayon sa IBON Foundation, lalong pinapalaki ng implayson ang pagitan ng minimum wage at family living wage. Dagdag pa rito, ay ang laganap na kontraktwalisyon na nag-aalis ng karapatan ng mga manggagawa sa seguridad sa trabaho at nagkakait na matanggap ang mga karampatang benepisyo.
Sa darating na Hunyo 30 papatak ang unang taon sa panunungkulan at sa Hulyo 24, 2023 naman ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Ferdinand Marcos, Jr. Inaasahan ang kanyang ulat at plano para sa pangangasiwa at pagpapaunlad ng kalagayang pang-ekonomiya at pulitika ng ating bansa. Noong Mayo Uno, pagdiriwang ng pandaigdigang araw ng manggagawa, nagpanukala ang Pangulo na pagbubutihin ng kanyang administrasyon ang pagbibigay ng oportunidad para mapabuti ang pamumuhay at kalagayan ng mga manggagawang Pilipino.
Sa kontekstong ito, ang Research and Extension for Development Office (REDO) ng Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan (CSWCD), Unibersidad ng Pilipinas Diliman, sa pakikipagtulungan sa DZUP Sikhay Kilos, ang programa sa radyo ng CSWCD, ay magsasagawa ng isang On Air at Online na Talakayan upang pag-usapan ang pambansang kalagayan ng mga manggagawa at ng Unibersidad ng Pilipinas. Bibigyang diin dito ang kampanya laban sa kontraktwalisasyon at pagpapataas ng sahod ng mga manggagawa at kung bakit ito ay mga lehitimong panawagan at karapatan.
The UP College of Social Work and Community Development, in cooperation with SD 399 class, is inviting everyone to attend the Doctor of Social Development (DSD) Lecture series on 22 March 2023, 5:30-8:00 PM via zoom.