Pag-ibig sa Tinubuang Lupa: Pag-alala at Pagpupugay

Pag-alala at Pagpupugay kay Puri Pedro (BSSW, 1969) at Nina Magbitang (BSCD, 1985)

Binigyan ng pagpupugay ng CSWCD sina Purificacion “Puri” Pedro at Nina Magbitang sa isang programa na ginanap noong ika-21 ng Setyembre, 2012 kaugnay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng Martial Law . Dumalo sa naturang pagtitipon sina Tsanselor Saloma, Dean Rosalinda Ofreneo, pamilya ni Puri Pedro, mga guro, estudyante at kawani ng CSWCD. Si Puri ay estudyante ng Social Work na napaslang noong panahon ng Martial Law sa edad na 29. Si Nina naman ay estudyante ng Community Development na napaslang sa Bicol pagkatapos ng EDSA Revolution.

Inalala ng mga naging kaklase at guro nina Puri at Nina ang naging buhay nila sa Kolehiyo. Nang magtapos si Puri ng kolehiyo, nagtrabaho siya bilang Social Worker sa Immaculate Concepcion Parish sa Quezon City kung saan tumulong siya sa pagtatayo ng kooperatiba at day care center. Dalawang taon pagkatapos ng deklarasyon ng Martial Law ay nagtungo si Puri sa Cordillera para tumulong sa pag-oorganisa sa hanay ng mga katutubo. Isa sa mga nakakatuwang alaala ni Prof. Judy Taguiwalo kay Puri ay noong maging kaklase sila sa Judo sa UP. Para makapasa sila sa klase kailangan nilang patumbahin ang kanilang guro na magpapanggap na aatake sa kanila. Dahil gwapo at bata ang kanilang guro, ang ginawa daw ni Puri ay hinayaan niyang yakapin siya ng guro sa halip na kalagin nito ang pagkakayakap sa kanya. Sa tugon ng kapatid ni Puri, naisalaysay niya na noong maupo si Pres. Cory Aquino bilang Pangulo, hindi siya tinanggal sa kanyang trabaho sa CCP kahit si Imelda Marcos ang dati niyang pinagtatrabahuhan. Nalaman niya na ito ay bilang pasasalamat sa kanilang pamilya dahil si Puri pala ang tagadala ng sulat nila ni Sen. Ninoy Aquino nang ito ay makulong.

Si Prof. Titanne Barrameda naman ang nagsalaysay ukol kay Nina. Kasama niya si Nina sa Fieldwork nila sa sektor ng mga magsasaka sa Bicol. Napagkasunduan ng kanilang grupo na si Nina ang kanilang lider dahil sa tingin nila si Nina ang may pinakamatibay na personalidad. Ayon naman kay Prof. Maureen Pagaduan na siyang guro nila Nina sa fieldwork, pinili ni Nina na manatili sa bansa noong manirahan na sa Estados Unidos ang mga magulang niya. Mas nais ni Nina na tumulong sa mga magsasaka ng Bicol.

Bilang pagkilala sa pagsisilbi sa bayan ni Puri, gumawa ng salaysay si Judy Taguiwalo tungkol sa buhay ni Puri na binigay sa pamilya nito kalakip ang kaniyang graduation picture. Ang kuwento ni Puri ay kasama sa koleksiyon ng mga kuwento ng mga dating estudyante ng Kolehiyo.

Tinapos ang programa sa pagsisindi ng kandila habang inaawit ni Prof. Justin Nicolas ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio. Si Prof. Tex Gabo ang tagapagpadaloy ng programa.

Tunghayan ang iba pang mga larawan dito

– Isinulat ni Celeste Vallejos ng REDO

Pagpupugay sa mga Retirado ng CSWCD

Dr. Angelito G. Manalili – Pagpupugay kay Ka Lito: Buhay na Inialay sa Bayan at sa Kapwa:
Isinulat at isinalaysay ni Prof. Lenore Polotan-dela Cruz, Department of Community Development, UP CSWCD

Pagpupugay kay Ka Lito: Buhay na Inialay sa Bayan at sa Kapwa

Magandang hapon po sa ating lahat!

Ang taong pinararangalan natin sa hapong ito ay biniyayaan ng buhay na makulay at makabuluhan  – isang mahusay na guro at educator; mapagkalingang academic leader; may-akda ng ilang popular na libro sa pag-oorganisa at pagpapaunlad ng pamayanan; advocate, partisan, kasangga at kasama sa pakikibaka ng mga maralita: mga magsasaka, mangingisda, manggagawa, kababaihan, katutubo, kabataan,nakatatanda, mga may kapansanan;  gabay at adviser ng  ’di-mabilang na NGO at POs; napakahusay na kwentista (an excellent storyteller); at higit sa lahat — mapagmahal at minamahal na anak, kapatid, kaibigan, asawa at ama.

Obvious po ba na great fan ako ng taong ito? Ngayon pa lang ay tatapatin ko na po kayo na siya ay aking lubos na nirerespeto, hinahangaan at mi namahal. (Ang sabi nga ng mga nakatatanda, ang nagsasabi ng tapat, ay nagsasama ng maluwat!)

Ipinanganak noong July 4, 1947 sa Pantalang Luma, Bayan ng Orani, Bataan, si Angelito G. Manalili (o ‘Ka Lito’ kung ating tawagin) ay nagmula sa isang simple at karaniwang pamilya. Panganay sa walong anak nina Miguela Gregorio at Francisco Manalili, maaga siyang namulat sa kahirapan  at pakikipagsapalaran sa buhay. Bata pa ay nagtrabaho na siya bilang manggagawa sa palaisdaan at mangingisda para makatulong sa pagtataguyod ng kanilang pamilya. Sa kagustuhang makatapos ng kolehiyo, naging working student siya sa Maynila – nagtinda ng sigarilyo, at naging laborer sa pabrika ng Syntex — hanggang sa matapos niya ang AB Political Science (cum laude) sa University of the East noong 1971. Naging bahagi siya ng Provincial Development Staff ng Bataan, una bilang Research and Evaluation Officer noong 1972 hanggang sa maging Provincial Development Coordinator noong 1976-1977. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral at natapos ang MA sa Public Administration sa University of Manila noong 1976.  Una siyang naging guro sa University of the Philippines Diliman noong 1978, nang naging bahagi siya ng Department of Community Development sa dating Institute of Social Work and Community Development (ngayon ay College na). Itinuro niya ang mga kurso gaya ng Community Organizing, Community Development Planning, at Participatory Project Development and Management.  Nagtapos siya ng PhD sa Philippine Studies sa UP Diliman noong 1985.

Katulad marahil ng marami sa inyo, una kong nakilala si Ka Lito sa loob ng classroom  nang siya ay aking naging teacher sa CD Planning & Administration at Project Development nang ako ay 19 taon pa lamang. Noon pa man hanggang ngayon, lagi niyang kinukwento na wala siyang ibang naging pangarap kundi ang maging isang mahusay na guro. At kung ito ang gagamitin nating measure of success – siguro naman ay sasang-ayon kayo na quotang-quota na si Ka Lito sa sukatang ito. Patunay nito ang paggawad sa kanya ng “Outstanding Faculty Award” ng UP noong 1992, at ng “Gawad Lope K. Santos” noong 1996 para sa kanyang pagpapayaman sa wikang Filipino bilang medium of instruction at pagpapaunlad ng mga katutubong pamamaraan sa pagtuturo ng Community Development.

Ano nga ba ang sikreto ni Lito sa pagiging  mahusay na teacher at educator?

Si Lito marahil ang isa sa mga most-quoted na guro sa CD – maging ito ay sa graduate o undergraduate level man. At sa aking personal na tingin, ito ay dahil sa kakayahan niyang magpaabot ng mga big ideas and ideals sa isang paraan na simple,  totoo, mapanghamon, at laging nagbibigay inspirasyon at pag-asa. Maging ang kanyang pamamaraan sa pagtuturo sa classroom at mga training ay ganun din – mga buhay na kwento, at mga visual aids na nakaguhit sa telon o manila paper. Sorry ka na lang Bill Gates, dahil sa hanggang ngayon ay mas epektibo pa rin ang ‘paper point’ kesa sa power point  kay Ka Lito!

Maliban sa pagtuturo ng Community Development, patuloy niya itong isinasabuhay bilang isang advocate/ partisan at kasangga sa pakikibaka ng sambayanan. Mula pa noong marahas na panahon ng Martial Law, hanggang sa kasalukuyan, personal na nakasama ng marami sa atin si Lito sa hindi mabilang na rally sa lansangan laban sa kahirapan, pang-aapi, o kawalan ng hustisya. Patuloy din siyang nagbibigay ng kanyang kaalaman at panahon sa paghubog ng mga lider sa mga komunidad at mga samahan ng mamamayan.

Ayon nga sa isang former student ni Ka Lito: “… Siguro higit sa lahat, ang patuloy mong ibinabahaging inspirasyon o aral sa akin ay ang pagiging CONSISTENT – consistent na manatiling nasa panig ng mahihirap, consistent na magalit sa kawalan ng katarungan at pagsasamantala, consistent sa paniniwalang nasa pagkakaisa at sama-samang pagkilos ang pagbabago, consistent na nakataas ang kamao. Kung kahit katiting nang consistency mo ay ma-retain ko, masaya na ako!” (Lot Felizco, BSCD, 1983)

Napakasimpleng tao po ni Ka Lito sa personal na buhay. Kita naman ito sa kanyang pananamit, sa pagkain, at maging sa pakikitungo sa kapwa. Alam ng marami sa atin na hanggang ngayon ay pumapasok siya sa UP na nakasakay sa bus, jeep at MRT mula sa bahay nila sa Guadalupe. Isang platitong mani pa rin po ang paborito niyang kasabay ng malamig na beer sa mga inuman!

Si Ka Lito ang source of strength ng kanyang pamilya. Sa pagkakaalam ko, madalas niyang tawagan para kamustahin ang kanyang mga kapatid, at dinadalaw niya ang mga ito sa Bataan sa tuwing may pagkakataon. Hindi ko makakalimutan ang ngiti at tuwa sa mukha ni Lito sa tuwing siya ay magkukuwento ng mga magagandang balita tungkol kay Sally, ang kanyang asawa, kina Monette at Sisa, ang kanyang mga anak,  kay Aling Jasmin, ang kanyang biyenan, at ngayon ay sa kanyang tatlong apo na sina Clarence, Nyel at Nicole. Sa ganang akin, ang pagmamahal sa kanyang pamilya ang malalim na bukal na pinaghuhugutan ng lakas at inspirasyon ni Lito.

Para sa mga kasamahan ko sa CSWCD, alam kong sasang-ayon kayo sa akin na malaki ang naiambag niya sa paghubog ng ating College bilang isang buhay na institusyon at bilang isang mapagkalingang tahanan nang siya ay naging two-term Dean noong 1991-1994 at 2001-2004. Bilang isang institusyon, palagi nya tayong pina-aalahanan na maging laging grounded o nakatuntong sa lupa – patuloy na maging makabuluhan sa lipunan na ating kinabibilangan at pinaglilingkuran, patuloy na makipag-aralan sa masa, makilahok at tumulong sa kanilang pag-oorganisa at pakikibaka, at makibahagi sa mga pagkilos na nagpapaganda ng kanilang kinabukasan. Bilang isang tahanan, ipinakita niya sa atin kung paano maging mapagkalinga at mapag-unawa  sa bawa’t isa sa ano mang oras, sapagka’t ayon nga kay Plato, “Be kind, for everyone you meet is fighting a hard battle”.

Yan si Ka Lito, kindness and generosity personified – walang masamang tinapay, laging handang makinig, kaibigang laging mahinahon sa anumang oras, always generous with his time, patience and wisdom,  laging positive ang take ano mang hamon ang dumating, at laging appreciative sa kakayahan at kontribusyon ng bawa’t tao. Di pa man naisulat ni David Cooperider ang ‘Appreciative Inquiry’, isinasabuhay na ito ni Lito.

Sa yugtong ito, payagan nyo akong magbigay ng personal na mensahe kay Lito:

Ka Lito, ikinalulugod, ipinagmamalaki, at ipinagbubunyi namin na ikaw ay aming nakilala at nakasama sa mga classroom, meeting rooms, conference rooms, lansangan, mga pamayanan, at maging sa mga inuman. Maraming, maraming salamat, Ka Lito, sa patuloy mong pagpapakita at pagbabahagi sa amin ng tunay na kahulugan ng  simpleng buhay, ganap na paglilingkod, at kabutihan sa araw-araw at sa lahat ng bagay.  Umaasa kami  na patuloy pang makakasama ka sa mahaba pang panahon.

Mga ka-sikhay at ka-bayanihan, inaanyayaan ko po kayong tumayo at bigyan ng masigabong palakpakan si Dr. Angelito Gregorio Manalili!

Maraming salamat po!

Isinulat ni: Prof. Lenore Polotan-dela Cruz, Department of Community Development, UP CSWCD , sa okasyon ng ika-45 Taong Pagdiriwang ng Pagkakatatag ng CSWCD, Aug 25, 2012, Bulwagang Tandang Sora, UP CSWCD

 

REDO conducts Participatory Monitoring & Evaluation Training

 

A training on Participatory Monitoring and Evaluation of Development Projects was conducted by the Sikhay Kilos Development Association through the Research and Extension for Development Office (REDO) last August 15-17, 2012 at the CSWCD Seminar Room, UP Campus, Diliman, Quezon City. The training was attended by 15 participants from Child Fund, COSE, ERDA, GHD, ISIS, NTFP-TF, NYC, Sarelle Consultancy, OWWA, TVIRD, VIDES and World Vision.

The training aimed to enhance the understanding and capabilities of participants in developing appropriate participatory monitoring and evaluation systems for their respective community projects and programs. Specifically the participants were provided with input on participatory development perspectives, PME concepts, principles, tools and processes. The training methodologies included lecture-discussions, structured learning exercises , workshop, plenary and other participatory learning methods. The participants weredivided into learning workgroups to come up with a draft PME design for their chosen projects.

 

The training team included the following: Dr. Judy M. Taguiwalo, Dr. Editha V. Maslang, Dr. Ma. Theresa V. Tungpalan and Dr. Emmanuel M. Luna as Resource Persons; Leah B. Angeles as Training Coordinator and Catharine Adaro, Mabel Orleans, Buboy Raquitico and Tatis Samson as Training Team Members. Prof. Jocelyn T. Caragay served as Overall Coordinator. – By Leah B. Angeles

Invitation to the 3rd Asia Pacific Regional Conference on “People’s Collective Actions towards Rights, Freedoms, Securities”

The Community Development Society of the Philippines Inc. (CDSP), in coordination with the Department of Community Development, College of Social Work and  Community Development (CSWCD) and Center for Asian Mission for the Poor (CAMP), invites community development practitioners, professionals and educators to the 3rd Asia Pacific Regional Conference  on “People’s Collective Actions towards Rights, Freedoms, Securities” to be held October 22 – 24, 2012 at the CSWCD, University of the Philippines, Diliman, Quezon City.

In 2011, the world saw massive people’s mobilization across various continents clamoring for political and socio-economic changes. The Arab Spring saw hundreds of thousands mass up for democracy in Middle East countries such as Libya and Syria. The Occupy Movements spread like wildfire in major cities of the globe such as New York and Tokyo to advocate for an economic system which is responsive to the needs of the 99% poor. Using varied cultural strategies and new technological tools, these movements immediately caught the imagination of a wide spectrum of ordinary citizens as  powerful spaces for mobilizations for change.

Collective action by organized groups has a long history in the Philippines. In the last 40 years, collective action was shown through the people’s movement from the late 70s to the early 80s to oust the former President Marcos. From a dictatorship, the administration of President Corazon Aquino opened democratic spaces which allowed people from civil society organizations to continue and expand community organizing and advocacy work. Thus, the call for a genuine land reform was revitalized as well as the demand for justice for the numerous victims of Martial Law, and the call for investigation for plunder and corruption of various major government officials. Further, other CSO personalities and organizations also participated in formal governance mechanisms at the local levels, such as being elected as local officials, as well as at the national levels through, for instance, as legislators through the party list system.

In the midst of these significant developments, several questions are relevant to ask. What have been the roles and capacities of marginalized communities and people in a regime of rights, freedoms and securities? Through community organizing and community development efforts that recognize self-organizing and peoples’ participation as core principles, how were notions and claims of marginalized people of their rights, freedoms and securities articulated and struggled for? What lessons and insights can we draw from these struggles? What are the future challenges that can inspire us as practitioners and professionals in our work for change and transformation? What directions can new scholarship take in these present times? This regional conference aims to provide an opportunity and a venue to critically discuss these questions and engage productively and creatively with a growing community of social development workers.

The conference organizers will invite various speakers including from the marginalized sectors to reflect on the following themes:

  1. Economic rights, specifically right to farm lands and other productive assets, ancestral domain rights and related frames for accessing resources by indigenous peoples; social enterprise and sustainable livelihoods as strategies and programs connected to rights, freedoms and securities;
  2. Political rights, such as right to participation and right to peace; and,
  3. Identity and cultural rights, such as rights of LGBTs, people with disabilities and elderly.

The fourth theme will be Community Engaged Scholarship as a discursive framework possibly relevant to community development education and practice. What does this qualified scholarship mean? What are the varying contexts and experiences that can illuminate such scholarship? What are its historical origins? What body of theory and principles are relevant to such scholarship? How can this be a challenging engagement among educational institutions of Community Development?

The conference will have plenary sessions wherein each of these four major topics may be more widely discussed. Workshop sessions will follow the plenary discussions to allow conference participants to share more in-depth specific stories and experiences of people’s collective actions and continuing challenges for community organizing and community development.

Organizers will charge a conference fee of P3,000.00 for local participants (US$ 100.00 for foreign participants) to defray actual expenses for meals (two snacks and lunch per day) and conference kit. Students are entitled to a 50% discount.  For those interested to join the conference, please email your participant information sheet to cdconference2012@yahoo.com. Conference fees can be deposited to this account:

Account name:        Community Development Society of the Philippines Inc. (CDSP)

Account number:     SA No. 3071-0317-98

Bank name:             Landbank

Swift address:          TLBPPHMMAXXX

 

Click here to view the BROCHURE

Click here to download the  PARTICIPANT’S PROFILE FORM

 

What I Learned from the Insti

 

My training and education from UPISWCD carried me on an epic journey from the expansive grounds of UP Diliman, to the bowels of squatter areas in Tatalon, QC and Tondo, Manila, to the deep jungles in Laguna, Rizal to a storied life in the corporate world of North America where I am now.

At a very early age, my parents inculcated in me the love for knowledge and of service to others. Being a doctor seemed to capture these values and so I aimed to be one. However, as I was approaching the fork in my life where a decision that would set the course of the rest of my life needed to be made, I realized that my family did not have the financial means to allow me this dream. Social Work was the next best thing where I could put those values in place.

And I never regretted it.

I entered UP’s Arts and Sciences program in 1970. Coming from a small barrio in Melgar, Naujan, Oriental Mindoro, UP Diliman was like Harvard to me. I was in the Foreign Service program initially but decided to switch to Social Work and Community Development after the first semester.

The theoretical knowledge taught by esteemed professors at the UPISWCD (Insti was our moniker for it) to me became the basis of and set the tone for where the course of my life would take me.

I remember how our professors would challenge us to test and discuss theories. One particular event I fondly remember is how a team of us, armed with a tape recorder, went searching for the perfect stream to record the perfect sound of gushing water in order to make it the soundtrack for a class presentation. Teamwork was very much at play as we organized ourselves for this project. Although I cannot remember what the topic was, I remember that our team received a grade of 1.0 for this assignment.

In 1972, my classmate, Wennie Domingo, and I chanced upon an advertisement in the newspaper looking for youth interested in a cultural exchange program in Canada. It was called the Canada World Youth Exchange Program (CWYE) that was jointly sponsored by CIDA and the Philippine government. Its goal was to allow youth from both countries to experience first-hand the culture of each country. Hence, we spent five months in Canada and the other five in the Philippines.
After a series of tests, including group dynamics, we both made it.

I put my studies on hold and participated in the CWYE program. It was fun, an eye opener and taught me a lot about the intercultural sensitivities among Canadians and fellow Filipinos. I experienced the various facets of life in Canada and the Philippines and made a lot of friends.

When it was finished, I resumed my studies at UPSWCD.

Leaving the confines of the classroom to do the required field work didn’t really prepare me much for the realities of poverty, which was glaringly presented to me as a contrast to the comforts and luxuries that I had just experienced from the exchange program in Canada. My field work was in the squatter areas in Tatalon, Quezon City and Tondo, Manila where with a group of other classmates, we lived (more like scratched a living), ate (there was hardly enough), breathed (stale air) and learned (a lot) complementing the theories that were taught in the classroom and prepared me for what I could expect when I graduate.

I learned that:
– Poor people have dignity, integrity, hopes, dreams, ingenuity.
– Doling out help can only alleviate short-term pain. War against poverty is still there.
– The truism of the principle: When a person’s basic needs (food, shelter, job) are met, higher needs are achievable.
– The sitting government was oppressive, exploitative and unjust.
– There is strength in numbers and organizing the marginalized sector of the society can yield results.

Hence, my involvement in student activism evolved. I was in front of demonstrators protesting on the streets. I cried with the people of Tatalon when their houses were bulldozed. I strategized with fellow activists on how to mobilize communities to fight and to topple down the Marcos regime.

Then martial law was declared. Fellow activists were being picked up, tortured, imprisoned. I had to go underground and was sheltered by numerous friends who took me to the mountains in Laguna. I was in the company of people who only have first names preceded by Ka, as in Kasama (comrade). My indoctrination in the Maoist-Leninist philosophy deepened. I had to leave my family and friends and the little comforts that I got used to.

But after a year, my Kasamas started to disappear and I found myself on my own. I had no choice but to go back to my family. With his connections in the military, my father was able to clear my name without me having to be interrogated and tortured. Also, due to my father’s persistence, and since I only had a little bit of the last semester left to do, I tried to resume my studies. He would obtain what assignments were required, pass them on to me, I would write the paper and then he would submit them to the professors.

My father was also instrumental in getting my friends in Canada to help me out of the country. In February 1978, I was back in Canada. I was a “fish out of water” for the first year, and I learned what it means to “climb the wall” at this time, literally.

Focusing on how to survive in a foreign country became my raison-d’etre – I watched TV to hone my English skills, took French courses (for this I give myself an F), worked in two or three jobs at any given time so there were no idle moments and to be able to send money to my family.

My first job search was for a Social Work position but not even a Filipino agency that served the Filipino community gave me the chance — I had no Canadian experience.

So, I distanced myself from any job related to Social Work. I took courses in office administration, accounting, HR. I also worked as a Health Care Aide and managed a confectionery store. I used all these knowledge as I worked through a series of positions in insurance companies, property management companies, etc. Now I am happily ensconced as an Office Manager in a structural engineering company (www.rjc.ca) where I have been employed since 1991.

How did my education at UPISWCD help me?

While I may not be working directly as a Social Worker, I can proudly say that the way I live, the manner by which I relate to people, and the principles that govern my interaction with people are grounded in what I learned from the College.
As president of the Filipino group in our church, I draw on the mobilizing skills I learned.

As an active member of our parish, St. Anthony’s parish, being in its Finance Council, Pastoral Parish Council, Social Feast Committee, I draw on my knowledge of group dynamics and community development.

As the current president of a professional group, The Society for Design Administration (www.sdacanada.com), I draw on a lot of theories on organizing and group dynamics tempered in my psyche.

And as an office manager of 120 staff, a lot of social work and community development theories are at play. Everyday.
I have to acknowledge that the ease by which I work with different groups and organizations that I am involved in are all traceable to the tenets of Social Work and Community Development that I learned from UP. Understanding of the human psyche and group dynamics are powerful tools that the university invested in me, forming the foundation of my thoughts and actions that enable me to contribute as a member of the society.

I cannot thank my professors enough who allowed me to graduate (finally!) in 1978, Cum Laude! I was absent during the graduation ceremonies, as I was already in Canada, but in my place during the commencement ceremony were the happiest mother, father, sisters and brothers in that gathering who heard my name called and received my diploma from UPISWCD.

From Seth Papasin
Graduating Class of 1978

College of Social Work and Community Development